A mother and her son were found dead inside their rented room in Sitio Nangka, Barangay Barrio Luz, Cebu City yesterday. The mother is 33 years old while her child is one and five months old.

Nadiskubreng patay ang mag-ina sa loob ng inuupahan nilang kuwarto sa Sitio Nangka, Barangay Barrio Luz, Cebu City kahapon.

Ang ina ay 33-anyos habang ang kanyang anak ay isa at limang buwang gulang.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng Mabolo Police Station, napag-alaman nila na bagong lipat lang ang mag-ina sa lugar at sila ay mula sa Bogo City.

Nakuha sa kuwarto ang identification card na may nakalagay na pangalan na “Laviña Mendoza” at ginagamit na ito upang kilalanin ang babae.

Batay sa ulat, pumunta ang anak ng may-ari ng bahay noong Sabado sa lugar para ayusin ang electrical connection.

Nang matapat siya sa pintuan ng kuwarto ng mag-ina, may naamoy siya na masangsang na amoy mula dito.

Kumatok siya sa pintuan ng kuwarto, subalit hindi siya pinagbuksan, na dahilan kaya humingi siya ng tulong sa barangay officials.

Puwersahang binuksan ng barangay officials ang pintuan.

Nakita nila sa loob ang bata na wala nang buhay sa double-deck na kama na naaagnas na, habang ang ina ay nakitang nakabigti.

Nangangalap pa ang mga awtoridad ng Cebu ng mga impormasyon para malaman kung may foul play sa pagkamatay ng mag-ina.