LEGAZPI CITY- Tinitingnan ng isang Public Interest Lawyer na posibleng taktika ang maagang ruling ni Senate Impeachment court Presiding Officer Sen. Francis Escudero hinggil sa 16 na boto na kinakailangan upang ma-convict si Vice President Sara Duterte.
Paliwanag ni Atty. Race Del Rosario sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na karaniwang ginagawa ang kaparehong ruling sa threshold ng affirmative votes sa pagtatapos na ng proseso ng impeachment hearing.
Matatandaan na bagamat sinabi ng presiding officer 16 affirmative votes ang kailangan para sa conviction, ay hindi umano mapipigilan ang mga nais na magtungo sa Korte Suprema upang kwesyunin ang ruling.
Aniya, posibleng istratehiya ito upang maaga na ma-kweston sa Kataastaasang Hukuman ang naturang ruling sa threshold, gayong dalawang senador ang kasalukuyang nakapiit habang ang isa naman ay patuloy na nagtatago.
Dagdag pa ni Rosario na hindi lamang 24 ang mga husgado sa naturang impeachment trial kundi ang taongbayan na nagluklok sa bise presidente.
Igiit rin ng naturang abogado na obligasyon ni Vice President Sara na sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya dahil utang nito sa mga Pilipino ang kasalukuyan niyang posisyon.











