Inanunsyo ni OhMyV33nus sa pamamagitan ng isang online post ang pag-alis nito sa Blacklist International.

Aniya, napapatanong siya kung sino ba si OhMyV33nus na wala ang Blacklist.

“Marami na rin kasing narating with Blacklist eh, back to back MPL Championships, M3 World Championship and sobrang dami nang bonggang eksena na hindi ko naimagine noon na possible pala mangyari sa buhay ko. ” saad sa post nito.

Matatandaan na bahagi si OhMyV33nus ng Blacklist ng mai-uwi nito ang tatlong kampeonato sa MPL Philippines, kabilang pa ang dalawang World Finals Appearances, at limang ulit pang nakapasok sa MPL Philippines finals.

Kasunod ng kaniyang desisyon, sinabi nito na hindi siya nababahala sa pagtahak sa mga susunod niyang hakbang.

Each team and esports org I’ve worked with before, I’ve always considered them as my home. But I realized Home is where I go. Home is anyone who cares about me. Home is the name I’ve built for myself: OHMYV33NUS. I’ve always got me, and I will never be afraid no matter where life would take me.” dagdag pa sa post nito.