Matapos ang espekulasyon ng mga netizen, ay inamin na ni Jericho Rosales na nasa dating stage sila ng aktres na si Janine Gutierrez.

Matatandaan na ilang ulit na namataan na magkasama ang dalawa na pinagmulan ng espekulasyon ng fans.

Ayon kay Jericho na kinikilala nila ang isa’t isa sa kasalukuyan at nadiskubre na marami umano silang pagkakapareho.

Isinalarawan naman ng aktor si Janine bilang sweet, mabait, dedicated at isang mahusay na aktres.

Dagdag pa ni Jericho na alam ng kaniyang pamiyla ay mga kaibigan ang hinggil sa kanilang relasyon.