LEGAZPI CITY-Nasunog ang isang bahay at grocery store sa Purok 6, Barangay San Vicente, Libon, Albay.
Ayon kay Libon Municipal Police Station Chief of Police, Police Major Jonathan Apil, agad na rumesponde ang mga awtoridad kabilang ang Libon Bureau of Fire Protection, Libon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, mga opisyal ng barangay at Philippine National Police.
Naapula ang apoy sa loob ng ilang minuto habang nahirapan dahil sa patuloy na pag-ulan.
Walang naiulat na nasaktan sa mga residente sa lugar dahil sa insidente.
Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
Pinayuhan din ng opisyal na laging mag-ingat at subaybayan ang mga nakasaksak na appliances at nagsisindi ng kandila para maiwasan ang sunog.