LEGAZPI CITY-Kinumpirma ni US President Donald Trump sa social media na napatay si Iranian Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei, dahil sa isang malaking pag-atake sa Iran na inilunsad ng Israel at Estados Unidos.

Ayon sa mga matataas na opisyal ng Israel na natagpuan kanina ang bangkay ni Khamenei matapos ang isang pag-atake.

Sinabi ni Trump na ang US ay na nakipagtulungan sa Israel upang targetin ang lalaking namuno sa Iran mula pa noong 1989.

Tinawag naman ng Iran ang mga pag-atake na ‘unprovoked’ at ‘ilegal’ kaya tumugon rin sila gamit ang mga missile na pinaputok sa Israel sa hindi bababa sa pitong iba pang mga bansa, kabilang ang mga Gulf states at ang host ng US bases.

Sinabi ni Trump na ang mga pag-atake ay naglalayong wakasan ang isang dekada nang banta mula sa Iran at tiyaking hindi ito makakabuo ng isang nuclear weapon.