Inihayag ng Hezbollah na nagpakawala sila ng dose-dosenang Katyusha rockets patungo sa Israel.

Ito ay sa gitna pa rin ng serye ng mga pag-atake na ayon sa Hezbollah ay bilang pagsuporta nila sa mga Palestinian.

Matatandaan kasi na nagpapatuloy pa rin paglulunsad ng mga airstrike ng Israel kung saan libu-libong Palestinians ang binabawian ng buhay.

Sinabi kan Iran-backed group na ang pinakahuli nilang pag-atake ay target ang Beit Hillel sa northern Israel, bilang tugon sa pag-atake ng Israel sa Kfar Kela at Deir Siriane sa Lebanon.