LEGAZPI CITY- Muling nagsagawa ng pagkilos ang grupong August Twenty-One movement bilang pagpapahayag ng patuloy na pagkontra sa paggamit ng polymer banknotes.
Ayon sa presidente ng grupo na si Volt Bohol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na patuloy nilang tinututulan ang anumang uri ng pagbabago sa kasaysayan ng bansa.
Paliwanag ng opisyal na hindi katanggap-tanggap ang paglimot sa sakripisyo ng mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa kasarinlan ng bansa.
Dagdag pa ni Bohol na ikinababahala nila ang patuloy na kamangmanangan ng mga Pilipino lalo na pagdating sa kasaysayan.
Aminado ito na nauunawaan nila ang kahalagahan sa pag-alala sa mga endangered animals subalit hindi pa rin nito kayang tumbasan ang halaga ng kontribusyon ng mga bayani na unang nailathala sa Philippine peso.
Samantala, dagdag pa ng grupo na malaki rin ang epekto ng bagong polymer banknotes sa mga dayuhan na bumibisita sa Pilipinas dahil posible itong magdala ng kalituhan.