Ibinahagi ni First Lady Liza Araneta Marcos ang naging Working Visit nito sa United Arab Emirates.

Binisita ng First Lady ang Emirates Group headquarters kasama si Chairman and Chief Executive ng Emirates Airline and Group His Highness Sheik Ahmed Bin Saeed Al Maktoum.

Ang naturang pagbisita ng Unang Ginang ay naganap noong Hunyo 27 hanggang 29 sa kasalukuyang taon.

Nabatid na binisita rin nito ang Sheikh Zayed Grand Mosque Center sa Abu Dhabi.