Bigo si Filipina boxer Aira Villegas na makausad sa gold medal match matapos itong talunin ni Naz Cakiroglu ng Türkiye sa women’s 50kg division sa Paris Olympics.

Naging unanimous ang desisyon ng mga hurado na pumabor kay Cakiroglu sa tatlong rounds.

Sa kabila nito ay nakuha pa rin ni Villegas ang bronze medal para sa Pilipinas.

Dahil dito ay may tatlong medalya na ang bansa kung saan dalawang ginto ang mula kay gymnast Carlos Yulo at isang bronze naman mula kay Villegas.