LEGAZPI CITY- Malaki ang pasasalamat ng Non Government Organization na Tulong Kabataan Network National sa mga fan pages ng ilang Thai actors at K-Pop Groups sa patuloy na pag-iipon ng pondo para matulungan ang mga biktima ng kalamidad.

Ayun sa secretariat ng grupo na si Joshua Marcial sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakikipag-uganayan sa kanila ang fan pages ng Thai actors na sila Bright Vachirawit at Win Metawin Opas-iamkajorn gayun rin ang fan page ng “army” na kilalang supporters ng K-pop group na BTS.

Ang monetary donation ng mga ito ang ginamit para sa pambili ng mga relief goods na ipinamahagi sa mga chapters ng Bicol.

Napag-alaman na maging ang local celebrities ay patuloy rin na nagpapaabot ng tulong sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa bansa.

Kaugnay nito, nagpapasalamat si Marcial na ang naturang mga community group ang nagiging daan para makatulong sa panahon ng kalamidad.