LEGAZPI CITY- Nagpaabot na ng inisyal na tulong ang Department of Social Welfare and Development Bicol para sa halos nasa 300 na mga pamilya na nasunugan sa Barangay Banuyo, Pilar, Sorsogon.
Kabilang sa mga naihatid ng tanggapan ay ang family food packs, inuming tubig at ilan pang mga non-food items.
Matatandaan kasi na una nang nanawagan ng tulong ang naturang mga biktima ng sunog lalo pa ang karamihan sa mga ito ay walang naisalbang kagamitan.
Kung babalikan ay mahigit 200 na mga kabahayan ang natupok ng apoy sa naturang barangay.
Sa kasalukuyan ay nananatili ang mga biktima ng sunog sa evacuation centers habang sinusubukan na muling makabangon matapos ang trahedya.