LEGAZPI CITY- Dumagsa ang mga deboto sa Saint Gregory the Great Cathedral sa Legazpi City, Albay para sa Solemn Jubilee Mass nitong umaga, Oktubre 28, 2026.
Ito ay kaugnay ng ika-75 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Diocese of Legazpi.
Ang naturang misa ay pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle.
Naging sentro ng mensahe ni Cardinal Tagle ang pagmamahal ni Hesus sa kaniyang mga disipulo at pagtingin ng Panginoon sa puso ng bawat isa.
Kinilala rin nito ang Diocese bilang produkto ng Banal na Espiritu na ipinadala ni Hesus, gayundin ang papel ng hindi na mabilang na mga misyonaryo, mga obispo, clergy, catechist, at ng mga ordinaryong mamamayan na nagpakilala sa manunubos sa kanilang pamilta at sa mga susunod pang henerasyon.
Samantala, kinilala rin ni Cardinal Tagle ang mga mamamayan ng Albay sa pagharap ng mga ito sa iba’t ibang uri ng kalamidad tulad ng bagyo, epekto ng aktibong bulkan, baha at iba pa, kung saan ang negatibong karanasan ay ginagamit umano bilang ‘missionary events.’
Matatandaan na unang itinalaga si Tagle bilang Dean of the College of Cardinals, na isang mahalagang posisyon sa ng mga kardinal ng Vatican.









