Hindi magkamayaw ang Armys na fanbase ng Korean group na BTS matapos i-anunsyo ng BigHit Music ang nakatakdang pag-discharge niyo sa South Korean military.

Nakatakdang magtapos ang military service nito sa Hunyo 12.

Matatandaan na si Jin ang pinakaunang miyembro ng BTS na madi-discharge dahil ito rin ang unang na-enlist noong 2022.

Maliban sa pagiging vocalist ng BTS ay binansagan rin si Jin bilang worldwide handsome.

Ayon sa BigHit Music, sa kasalukuyan ay wala pang aktibidad na inihanda para sa opisyal na pagtatapos ng military service ni Jin.