Natagpuan ang bangkay ng isang bagong silang na sanggol na nabatid na iniwan sa bakanteng lote sa Purok Masagana, Barangay San Isidro, General Santos City.

Ayon sa paunang impormasyon na tinangay pa ng aso ang naturang sanggol matapos abandunahin sa lugar.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad upang mabatid kung sino ang nag-iwan ng naturang sanggol.

Sakaling mahahanap ang nag-abandona nito ay maari siyang maharap sa kaukulang kaso.