Hindi nag-atubili ang isang TV reporter na iligtas ang lalaking na-trap sa loob ng lumulubog na sasakyan nito sa gitna ng mga pagbaha sa Queensland, Australia.

Naganap ang insidente nitong Oktubre 22.

Tinulungan naman ang naturang reporer ng isa pang bystander sa lugar, upang mailigtas ang biktima mula sa panganib.

Ayon sa impormasyon, ang naturang TV reporter na nakilalang si Will Murray, ay nag-uulat patungkol sa mga pagbaha, habang ang naturang motorista naman ay pinilit na itawid ang kaniyang sasakyan.

Ilang sandali pa ay tumirik ito hanggang sa unti-unting lumubog sa tubig at hindi nakalabas agad ang driver nito.

Dahil sa insidente ay agad na rumespunde ang reporter na si Murray katuwang ang isa pang lalaki.
Samantala, umani naman ng papuri mula sa netizen ang kabayanihan ng dalawa.