LEGAZPI CITY-Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan tungkol sa nangyaring pananambang sa Broadcaster na si Adrian “Golden Boy” Loterte sa Daraga, Albay, nitong Oktubre 12, 2026.
Ayon sa kumpirmasyon ni Daraga Municipal Police Station Officer-in-Charge Police Lieutenant Colonel Maria Rosario Calusor, nagpapatuloy sila sa pagsusuri ng mga kuha mula sa (CCTV) cameras sa Daraga, pati na rin sa mga karatig na bayan upang makakuha ng impormasyon sa nangyaring krimen, at matukoy ang mga suspek.
Samantala, hindi pa muna isinasapubliko ang mga detalye para sa nasabing lead habang patuloy ang kanilang mga imbestigasyon.
Sa kabila nito, umaasa naman ang may koneksyon sa biktima na makuha ang anumang impormasyon at ang hustisya sa nangyaring insidente.










