LEGAZPI CITY-Ipinahayag ni Commission on Election (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na target ng ahensya na magkaroon ng humigit kumulang 74 milyon na botante sa taong 2028.

Inaanyayahan rin ang lahat na mga deactivated voters na magpa-reactivated para muling makaboto na magtatagal sa Hulyo 30 sa susunod na taon.

Nagsasagawa na rin sila ng preparasyon sa pagsasagawa ng automated election kaya kailangan nila ng budget para rito.

Hinimok rin ni Garcia an mga mayroong kamag-anak abroad na magparehistro hanggang sa Setyembre 30 sa susunod na taon.