LEGAZPI CITY-Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia na sumusunod lamang sila sa batas kaugnay ng pagpaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sinabi ng opisyal na sumusunod lamang sila sa batas bagama’t handa na sila na magsagawa ng halalan lalo pa nasa P8-bilyon na umano ang nagastos sa pag-imprenta ng balota, mga materyales, at iba pang mga preparasyon.
Binigyang diin rin ni Garcia na maaaring mayroong hindi sang-ayon dito subalit dapat umano nila itong sundin.
Samantala, sa ngayon ay hindi na umano kakayanin pa na magkaroon ng eleksyon sa darating na Nobyembre 2, habang pinagliban na rin ang filing of candidacy para sa BSKE.











