LEGAZPI CITY-Nakuhanan ng footage ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagbuga ng abo ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong araw ng Sabado pasado alas 12:46 ng hapon, Oktubre 10, 2026.
Ayon sa ahensya nag-generate ito ng plume na umabot sa 5-6 kilometers sa summit crater nito bago bumababa patungong north-northeast ng bulkan.
Samantala nananatili sa Alert Level 2 ang status ng Bulkang Kanlaon.
Nagpaalala naman ang Phivolcs sa publiko na magingat sa panganib ng ashfall at alamin ang mga hakbang upang makaiwas rito.











