LEGAZPI CITY-Inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ngayong araw ng Lunes, sa botong 13-5-0, ang Senate Bill No. 2387 na nagtatakda sa limang taong termino ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa bansa.
Inihain ito ni Senator Francis “Chiz” Escudero at dahil dito ay magkakaroon ng bagong electoral cycle na magreresulta sa pagpapaliban ng nakatakda sanang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2026 patungong Nobyembre 2028.
Ayon kay Escudero, layunin nitong magkaroon ng mas tiyak at maayos na sistema sa lokal na pamamahala.
Tinutulan naman ito ng ilang senador, una na sinda Senator Tito Sotto at Joel Villanueva, na sinasabing ang muling pagpapaliban ng BSKE ay maaaring lumabag sa Saligang Batas at mag-aksaya sa halos P8 bilyong naitalang gastos ng Comelec para sa paghahanda sa halalan ngayong taon.










