NBI Senior Agent John Mark Calilung and Sen. Kiko Pangilinan

Inilahad ni Senior Agent John Mark Calilung ng National Bureau of Investigation na kahit hindi siya abogado siya naman ay degree holder at isang Certified Public Accountant.

Ibinahagi rin niya na nakadalo siya sa iba’t ibang lokal at International na pagsasanay, kabilang ang isang training sa Strasbourg.

Ito ay bilang tugon sa tanong ni Senator Francis Pangilinan tungkol sa kanyang mga dinaluhan na training.

Sa ikatlong araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay isinailalim sa cross examination si NBI Agent Calilung.

Matatandaan na inihayag ng naturang NBI agent na genuine at hindi AI generated ang video ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y pagbabanta nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pa.