LEGAZPI CITY-Itinaas na sa 3rd Alarm ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa Kasilak, Bucana, Brgy 76-A,Davao City ngayong araw ng Biyernes, pasado alas 6:00 ng gabi, Oktubre 16, 2026, ayon sa paunang report.

Samantala nasa 6 na fire stations ang kailangang rumesponde sa nasabing sunog ayon sa mga report.

Ayon sa mga saksi malawakang umano ang sunog na nangyari sa nasabing lugar.

Base pa sa mga report na sa kasalukuyan maliban sa mga fire truck mula Bureau of Fire Protection, rumesponde na rin ang mga volunteer fire brigades at ang Davao Central 911.