Divine Adili and Rene Baterbonia

Inihayag ni CIDG director PMGen. Robert Morico II sa isang press conference na hindi aksidente ang pagkalunod ng dalawang Ateneo student-athletes sa kanilang team-building activity sa Dipaculao, Aurora.

Ito ay kung pagbabasehan umano ang kanilang inisyal na imbestigasyon.

Matatandaan na nasawi sa naturang team-building sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Sa kasalukuyan ay patuloy umanong nangangalap ng mga ebidensya at impormasyon ang mga otoridad para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Samantala, nanawagan ang opisyal kay dating Ateneo head coach Tab Baldwin na harapin ang imbestigasyon.

‘Man up,’ ayon sa mensahe ki Marico kay Baldwin.