LEGAZPI CITY-Umabot sa 4-Milyon na estudyante at 8,642 paaralan sa 43 school divisions sa anim na rehiyon ang apektado ng nangyaring Magnitude 7.8 na lindol na naranasan sa karagatang parte ng Maasim, Sarangani nitong Lunes, May 8, 2026.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Education (DepEd), nasa kabuuang 4,090,246 na mag-aaral at 156,282 guro at kawani sa Regions IX, X, XI, XII, BARMM at Caraga ang apektado dahil suspensyon ng klase sa mga lugar.

Sa inisyal na damage assessment, nasa 381 silid-aralan ang bahagyang pinsala, 93 ang malubha nasira, at 62 ang tuluyang nawasak ng lindol.

Iniutos na rin ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang inspeksyon sa mga paaralan at tiniyak na sasailalim sa masusing pagsusuri ang lahat ng pasilidad bago ipagpatuloy ang face-to-face classes.

Samantala, patuloy ang search and rescue ng mga otoridad sa mga nabanggit na lugar at pinapayuhan ang publiko na umiwas sa mga bumagsak na gusali dahil sa posibilidad ng malalakas na aftershock.