LEGAZPI CITY-Kinumpirma ng isang Senador na ayon sa Senate Secretariat, wala na sa loob ng Senado si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Ayon sa Senador, umalis umano si Dela Rosa bandang alas-2:30 ng madaling araw ngayong Huwebes, Mayo 14, 2026.
Ang pag-alis ni dela Rosa sa Senado, nangyari ilang oras matapos ang sunod-sunod na putok ng baril sa loob ng gusali ng Senado noong Miyerkules ng gabi, May 13, 2026.
Ibinasura naman ni Israelito Torreon, ang legal counsel of Dela Rosa, ang ilang akusasyon na ang nangyaring insidente ng pamamaril ay isang “diversion tactic” upang makatakas ang senador sa lugar.
Ipinakita din niya ang mga larawan at video ni Dela Rosa, na umano’y kuha noong 12:13 ng umaga, sa loob ng gusali ng Senado.
Matatandaang inisyuhan na ng warrant of arrest ang si Senator Bato mula sa International Criminal Court (ICC) kasunod ng alegasyong sangkot siya sa kampanyang war on drugs noong administrasyon ni dating Presidente Rodrigo Duterte kung saan siya nagsilbe bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).











