LEGAZPI CITY-Dumating sa Senado si dating Senador Antonio Trillanes IV ngayong araw ng Lunes, Mayo 11, na bitbit umano ang kopya ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon sa mga ulat, kaugnay ang nasabing dokumento ng mga alegasyon ng pagkakasangkot umano ng Senador sa mga kaso ng extrajudicial killings (EJKs) na iniuugnay sa war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Personal na nagtungo sa Senate of the Philippines si dating senador Antonio Trillanes IV, dala ang umano’y kopya ng arrest warrant mula sa ICC.
Ayon kay Trillanes, nagpunta siya sa Senado bilang tugon sa naunang hamon ni Dela Rosa na samahan umano siya sa National Bureau of Investigation (NBI) sakaling isagawa ang pag-aresto.
Samantala, nagpakita naman ngayong araw pa lamang si Senator Bato sa Senado kung saan naging emosyonal at magalit nito dahil sa tinangka umano siyang pigilan na makapasok ng NBP personnel sa Senate plenary hall.
Ayon kay dela Rosa, hinarang siya ng NBI personnel, na aniya’y hindi nirerespeto ang Mataas na Kapulungan.
Samantala, naghain naman ng ‘Urgent Manifestation with Omnibus Motion’ si Sen. Bato Dela Rosa, sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Israelito Torreon sa Korte Suprema para humiling ng proteksyon laban sa implementasyon ng umano’y ‘arrest warrant’ mula sa International Criminal Court.










