LEGAZPI CITY-Naging emosyonal nang dumating si Senator Bato Dela Rosa sa Senado ngayong araw ng Lunes, Mayo 11, 2026.
Ito ay matapos ang anim na buwang hindi pagpapakita sa publiko.
Matatandaang huling dumalo sa Senado ang Senador noong November 2025 matapos sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na mayroong itong ICC arrest warrant.
Samantala, iniimbestigahan naman ng Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group ang umano’y subpoena laban kay Bato kasunod ng umano’y extrajudicial killings (EJKs) sa Davao region.











