Inihayag ni Palace Press Officer Claire Castro na bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mga mungkahi na sa tingin nito ay makakatulong sa kalagayan ng bansa.
Ito matapos lumutang ang impormasyon na pinag-aaralan ng Palasyo ang panukalang ipagpaliban muli ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito ay sa gitna pa rin ng krisis sa ekonomiya at pagtaas ng presyo ng langis.
Nabatid kasi na posibleng makatipid ng hanggang P16 billion kung hindi matutuloy ang halalan.
May ilang panawagan kasi ng anim na buwang postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at iminungkahing ilaan na lamang ang pondo nito upang tugunan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.
Ang naturang halalan ay nakatakda sana sa Nobyembre 2 sa kasalukuyang taon.
Gayunman, nauna nang nagpasya ang Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang paulit-ulit na pagpapaliban ng naturang halalan.











