oil crisis

LEGAZPI CITY-Ipinahayag ng ilang transport groups na posibleng tumaas pa ang isinusulong nilang P1 provisional fare increase dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng tensyon sa Middle East.


Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa ngayon tinatalakay na magkaroon ng public consultation tungkol sa petisyon para sa P1 na provisional fare increase dahil lubhang nakakaapekto ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyosa kita ng mga tsuper lalo na sa hanay ng ilang mga sektor ng transportasyon.


Aniya, bagama’t hindi inaasahan ang nangyaring kaguluhang sa gitnang silangan, ito ihinain bilang pansamantala lamang dahil mabigat para sa kanila ang patuloy na pagtaas ng presyo at kung umabot man ito sa P60 kada bariles ay posibleng wala nang kikitain ang mga driver para sa kanilang pamilya.


Hinaing rin ng grupo na mabigat para sa kanila ang patuloy na pagtaas ng presyo at kung umabot man ito sa P60 kada bariles ay posibleng wala nang kikitain ang mga driver para sa kanilang pamilya.


Samantala, suportado rin ng grupo ang pinag-aaralan ngayon ng gobyerno na pag-bawas sa oil excise tax dahil malaking bagay umano para sa kanila ang P3 na bawas sa presyo ng produktong petrolyo.


Sinabi rin ng opisyal na hindi lang ang sektor ng transportasyon ang domino effect ng patuloy na tensyon sa Middle East, pati na rin ang mga pasahero at ang mga pagtaas ng pangunahing mga bilihin o produkto sa bansa.