
LEGAZPI CITY-Humigit kumulang 1,500 na mga estudyante ang apektado ng matinding ashfall sa Camalig, Albay.
Ayon kay Schools Division Office Albay Froilan Tena, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mula ito sa apat na eskwelahan kabilang ang Cabangan, Bariw, Quirangay, at North Central School.
Otomatiko rin na nag-shift sa alternative delivery mode ang klase noong mangyari ang pagbagsak ng ashfall sa lugar.
Nakapamahagi rin sila ng mga facemask sa mga estudyante at ngayon patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa mga apektadong eskwelahan.
Kinakailangan ang patuloy na monitoring sa mga eskwelahan para ligtas na makabalik ang mga estudyante mga eskwelahan.
Pinapaalalahan ng opisyal ang mga estudyante maging ang publiko na mag-ingat at huwag munang lumabas ng kani-kanilang mga bahay kung hindi naman kinakailangan.









