Ashfall from Mayon volcano

LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng ashfall nitong umaga, Hulyo 13, 2026 sa Brgy. Bonga, Bacacay, Albay.

Ito matapos ang naganap na pyroclastic density current o uson sa bulkang Mayon.

Matatandaan na una nang naglabas ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology kaugnay ng naturang uson.

Kaugnay nito ay pinag-iingat naman ang publiko at pinayuhan na magsuot ng facemask bilang proteksyon sa kanilang kalusugan.