Mayon volcano monitoring

LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng 13 volcanic earthquakes sa bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nagkaroon rin ng 340 rockfall events at 45 pyroclastic density currents o uson.

Nagpapatuloy rin ang naitatalang pagbuga ng lava dome at lava flow sa bulkan.

Naitala rin nitong Enero 19 ang nasa 3,061 tonelada ng sulfur dioxide flux.

Matatandaan na nakataas pa rin ang alert level 3 status sa naturang bulkan.