Sorsogon SDO preparations for Palarong Bicol
Sorsogon SDO preparations for Palarong Bicol

LEGAZPI CITY- Sisimulan na ng Sorsogon Schools Division Office ang concentration training sa susunod na linggo bilang paghahanda ng mga atleta na sasabak sa Palarong Bicol 2025.

Nabatid na nasa 619 na mga delagado ang ipapadala ng lalawigan sa naturang sporting event na isasagawa sa lungsod ng Legazpi ngayong Marso.

Ang naturang bilang ay kinabibilangan ng mga coaches at mga atleta.

Ayon kay Sorsogon Schools Division Office Sports Division Coordinator Rex Barbin sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa nakalipas na Palarong Panlalawigan, mas nag-level up pa ang kanilang mga kompetisyon.

Matapos naman ang ilang taon, ay ibinalik na rin ngayong 2025 ang gymnastics at taekwondo.

Ayon sa opisyal na target nila na makaalis ang mga atleta sa Sorsogon at magtungo sa billeting centers sa Legazpi City sa Marso 22 para sa pormal na pagsabak sa Palarong Bicol.

Kwento ni Barbin na isa sa mga target ngayon ng lalawigan ay ang makapasok sa Palarong Pambansa ang mas maraming mga atleta lalo pa at marami ang nakitaan ng potensyal.