2025 World Ice Art Championships Multi-Block Classic Competition
2025 World Ice Art Championships Multi-Block Classic Competition

LEGAZPI CITY- Muling pinatunayan ng mga Pilipino ang kanilang talento at kakayanang makipagsabayan sa mundo ng ice art.

Ito matapos na mag-kampeaon ang Pilipinas sa 2025 World Ice Art Championships Multi-Block Classic Competition na ginanap sa Alaska, USA.

Binubuo ang grupo ng team captain na si Ross Baisas kasama ang kanilang mga miyembro na sina Victor Dagatan, Angelito Baban at Antonio Baisas kung saan nangibabaw ang kanilang obra na may titutlo na “Summon by the Queen.”

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, sinabi ni Baisas na hindi rin naging madali ang kanilang pinagdaanang paghahanda lalo pa at hindi maaaring i-practice an ice sculpture.

Naging katunggali ng grupo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang mga bansa sa mundo.

Para naman kay Dagatan, sinabi nito na malaking challenge sa kanila ang pagbabad sa lamig at matagal na panahon na hindi pagkikita-kita subalit nagawa pa ring kamangha-mangha ang kanilang obra.

Nabatid na pawang galing ang mga ito sa wood carving capital of the Philippines sa Paete, Laguna kaya may background na umano sila sa arts subalit aminadong iba pa rin ang ice sculpture.