Philippine Air Force fighter jet
© PAF file photo

Inihayag ng Eastern Mindanao Command na natagpuan na ang dalawang sakay ng naipaulat na nawawalang FA-50 fighter jet.

Nabatid na wala ng buhay ang mga ito ng matagpuan sa Mount Kalatungan sa Bukidnon.

Matatandaan na una ng naihayag ng Philippine Air Force na nawawala ang naturang fighter jet habang nagsasagawa ng tactical night operation.

Sa kasalukuyan ay patuloy naman na inaalam ng mga kinauukulan ang naging sanhi ng naturang aksidente.