Dalawang Overseas Filipino Workers ang nasawi matapos barilin ng kanilang amo sa Beirut, Lebanon.
Nabatid na naganap ang insidente nitong Abril 15, kung saan ginawa pang hostage ang mga biktima.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) na ang dalawang biktima ay nagtatrabaho bilang household service workers.
Inihahanda na rin ngayon ang kasong isasampa laban sa naturang employer matapos itong maaresto kasunod ng krimen.
Samantala, agad naman na tiniyak ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang tulong na ibibigay sa pamilya ng mga nasawing OFW kasabay ng panawagan ng malalim na imbestigasyon sa insidente.











