@ screengrab from CCTV video

Sinibak na sa kaniyang posisyon ang pulis na nag-viral matapos bugbugin ang kaniyang partner.

Matatandaan na kumalat ang video na sinaktan ng naturang pulis ang kaniyang partner, na umani ng mga pagkundena mula sa publiko.

Nabatid na dinis-armahan rin ang naturang pulis.

Kinumpirma ni Malolos City Chief of Police Plt. Col. Rommel Geneblazo na kabilang sa kanilang hanay ang naturang pulis at kasalukuyan itong nasa restrictive custody.

Inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa nasabing opisyal.

Samantala, nanindigan naman ang Philippine National Police (PNP) na hindi kukunsintehin ang anumang uri ng karahasan at maling aksyon sa loob ng kanilang hanay.