Iprinisenta bilang ebidensya sa nagpapatuloy na impeachment trial ngayong hapon, Hulyo 7, 2026 ang bahagi ng umano’y naging pagbabanta ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Ito ay bahagi ng kasalukuyang pagtatanong ng prosekusyon sa kanilang testigo na si National Bureau of Investigation (NBI) Senior Agent John Mark Calilung.
Matatandaan na una nang inihain ng defense team ang mosyon na i-play ang lahat o kabuuan ng mahigit dalawang oras na video upang maipakita ang buong konteksto nito.









