Nakapagtala si San Antonio Spurs star Victor Wembanyama ng 18 points, 11 rebounds, anim na assists, dalawang steals at dalawang blocks upang tulungan ang France na makuha ang overtime win laban sa Japan.

Dahil dito ay hawak na ng France ang dalawang panalo sa men’s basketball sa Paris Olympics.

Ipinakita ni Wembanyama ang height advantage nito upang makabangon ang Le Bleus France sa 94-90 na panalo laban sa Akatsuki Japan.

Nakapagtala si Wembanyama ng sampung puntos sa extended period upang makuha ang 92-84 na kalamangan sa natitirang dalawang minuto ng laro.

Samantala, nakapagtala rin si Rudy Gobert ng pitong puntos, tatlong assists, isang steal at 15 rebounds para sa France.