Alleged joint bank account of VP Sara Duterte and FPRRD

Inihayag ni Akbayan party-list Representative Perci Cendaña na nananatiling aktibo ang sinasabing joint bank account nina Vice President Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito matapos magdeposito ng pera ang mambabatas sa naturang account.

Ginawa ang hakbang bago ang muling pagdinig ng House justice panel sa impeachment laban sa bise presidente.

Ayon kay Cendaña na kwestyonable kung bakit aktibo pa rin ang naturang back account at kung ano ang laman ng naturang account.

Kinuwestyon din ng kongresista ang posibilidad na mayroon pang ibang itinataong joint bank accounts si Vice President Sara at ama nito.