LEGAZPI CITY- Bumaliktad ang isang pampasaherong tricycle matapos itong mahagip ng tren sa Barangay Taladong sa bayan ng Camalig, Albay.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng sugat ang ilang mga pasahero ng tricycle kabilang na ang isang bata.

Nabatid na huminto rin naman ang nakabanggang tren subalit hindi pa malinaw sa ngayon ang napag-usapan ng dalawang panig na sangkot sa aksidente.

Kaugnay nito ay muli namang nagpaalala ang mga kinauukulan na mag-doble ingat sa tuwing tatawid malapit sa mga riles ng tren.