transport strike
transport strike

LEGAZPI CITY- Naging normal ang buhos ng trapiko sa rehiyong Bicol ngayong araw.

Ito matapos na hindi makiisa ang mga grupo ng transportasyon sa rehiyon sa ikinasang tigil-pasada ng grupong Manibela.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Bicol Director Joel Defeo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na posibleng isa sa mga dahilan nito ay ang pagsuporta ng rehiyon sa modernization program ng pamahalaan.

Nabatid kasi na malaking bilang ng mga transport groups sa Bicol ay naniniwala sa kahalagahan ng pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga mananakay.

Ayon sa opisyal na tinalikuran na ng mga grupo ng transportasyon sa rehiyon ang tigil-pasada dahil batid ng mga ito na pareho-pareho lamang silang maaagrabyado at maaapektuhan ng aktibidad.

Samantala, batay sa tala na na ang lalawigan ng Sorsogon ang pinakaunang lalawigan sa Bicol na mayroong 99% compliance sa modernization program.

Sa kabuuan naman ay tinatayang nasa 91% na ang consolidation sa Bicol region.