LEGAZPI CITY- Nilooban ng mga kawatan ang tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Third District Engineering Office sa Barangay Paulog, Ligao City sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay Police. Lt. Col. Kim Lawrence Arenas, Officer in Charge ng Ligao City Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kagabi pa umano nangyari ang insidente subalit nitong umaga lamang ng Marso 5, ipinaabot sa kanilang hepatura ang impormasyon.
Inabutan umano ang ilang mga opisina na nagkalat ang mga kagamitan.
Ayon pa sa hepe na pilit binubuksan ng hindi pa nakikilalang salarin ang vault sa opisina.
Sa kasalukuyan ay kinukumpirma pa ng mga otoridad kung ano-ano ang natangay ng mga suspek.
Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.











