LEGAZPI CITY- Binawian ng buhay ang 68-anyos na si Nestor Rensales matapos itong bumoto sa Oas, Albay.
Ayon sa ulat mula sa Police Regional Office 5 na katatapos pa lamang bumoto ng biktima ng makaramdam ito ng pagkahilo ay mawalan ng malay sa Polling Precinct Cluster 68 sa Barangay Talongog, Oas, Albay.
Naitakbo pa ang biktima sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.
Ayon sa impormasyon ay dati ng na-stroke ang biktima.