LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang isinasagawang rescue operations ng mga kinauukulan sa mga residente na apektado ng pagbaha sa Pantao, Libon, Albay.

Matatandaan na maraming mga residente ang humingi ng saklolo matapos na maranasan ang mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig baha sa ilang bahagi ng Pantao dahil sa epekto ng tropical depression Enteng.

Ayon sa ibinahaging impormasyon ni Mayor Das Maronilla, siniguro nito na inaaksyunan ang lahat ng mga nangangailangan ng tulong.

Samantala, nakapagtala na rin ng pagguho ng lupa sa centro ng Caguscos kaya pinag-iingat ang mga residente na dadaan sa Libon-Pantao Road.