Mag-aalay ng requiem mass ang Diyosesis ng Legazpi para kay dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III sa Albay Cathedral ngayong araw, Hunyo 26, dakong alas-7:30 ng umaga.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng dating Pangulo.

Pangungunahan ni Bishop Joel Baylon ang misa.

Pinaalalahanan naman ang mga dadalo sa misa na sumunod sa COVID-19 health protocols habang 50% capacity lamang ang pinapayagan.

Sa mga hindi makakadalo, naka-livestream din sa FB page at iba pang social media platforms ng mga parokya sa diyosesis ang misa.