LEGAZPI CITY-Double-digit na pagtaas muli sa presyo ng Diesel ang inaasahan sa susunod na linggo, kung saan nasa P14 hanggang P14.50 ang dagdag kada litro, ayon sa mga report.

Dahil rito, posibleng itulak ang presyo ng Diesel sa P130 kada litro, kasunod ng pagtaas na mahigit P20 kada litro ngayong linggo.

Samantala, ang gasolina ay maaaring tumaas rin ng P7 hanggang P7.50 kada litro, na posibleng lumampas din sa P100 kada litro sa susunod na linggo.

Ang mga pagtatantya ay batay sa apat na araw na trading sa Mean of Platts Singapore at maaari pa ring tumaas dahil sa isa pang araw na kalakalan.