Inanunsyo ng Bahrain Ministry of Interior ang pagtanggal sa citizenship ng nasa 69 katao dahil sa umano’y pagsuporta sa mga pag-atake ng Iran sa naturang bansa.
Ang ilan sa mga ito ay inakusahan ng pakikipag sabwatan sa mga ‘foreign entities.’
Ipinalabas ni King Hamad bin Isa Al Khalifa ang direktiba kung saan sinabi na ang 69 na mga indibidwal ay “non-Bahraini origin”.
Sa ilalim kasi ng batas sa naturang bansa, ang sinumang indibidwal ay maaaring tanggalan ng citizenship kung sila ay nagdulot ng banta sa bansa o nagpakita ng hindi pagiging tapat.
Ginawa ang naturang hakbang matapos magsagawa ng air strikes ang Tehran sa ilang mga pasilidad ng Bahrain, bilang bahagi ng giyera na inilunsad ng Israel at Estados Unidos laban sa Iran.
Hindi naman malinaw kung ang mga ito ay naaresto o kung sila ay nananatili pa rin sa Bahrain.











