egg production

LEGAZPI CITY- Inaasahan na mas gaganda pa ang kalidad at availability ng mga itlog sa bansa.

Ito ay kasunod ng pag-lift ng importation ban sa The Netherlands.

Ayon kay Philippine Egg Board Association President Francis Uyehara sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kung mas marami ang supply ay mas maganda ang kalidad ng mga itlog.

Aniya, malaking bagay ang pag-alis ng ban para sa layer industry ng Pilipinas dahil karaniwang kumukuha ng paitlugin na mga manok ang bansa sa Netherlands.

Kaugnay nito ay siniguro naman ng opisyal na mayroong sapat na supply para sa pangangailangan sa ngayon ang bansa.
Dagdag pa ni Uyehara na simula noong Pasko at Bagong Taon ay marali na ang ibinaba ng presyo ng itlog dahil sa stable na supply ng table eggs.